IQNA

Hinihimok ng Pinuno ang mga Bansang Muslim na Kalabanin ang Pakikialam ng mga Bansang Kanluranin, Masamang Hangad sa Kapwa

10:10 - July 20, 2021
News ID: 3002986
TEHRAN (IQNA) - Pinuno ng Rebolusyong Islamiko si Ayatollah Seyed Ali Khamenei ay hinimok ang lahat ng mga Muslim sa mapanlusob na pagkagambala at masamang hangad ng mga bansang kanluranin.

Sa kanyang mensahe sa 2021 Hajj, binigyan diin ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko na sa huling 150 na mga taon na ang mga bansang Muslim ay napapailalim sa mapanlusob na kasakiman, pakikialam at masamang hangad sa kapwa sa mga bansang Kanluranin. Binigyang diin din ni Imam Khamenei na ang bansang Islamiko ay dapat bumawi sa nakaraan at "labanan" ang naturang pananalakay.

Ang sumusunod ay ang buong teksto ng mensahe ni Imam Khamenei sa okasyon ng 2021 Hajj.

Sa Ngalan ng Panginoon, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain

Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng mga Mundo, at ang kapayapaan at pagbati ay suma kanya kay Muhammad, at sa ang kanyang dalisay na Sambahayan, ang kanyang napiling mga kasama at iyong mga sumusunod sa kanila hanggang sa Araw ng Paghukom

Minamahal na mga kapatid na Muslim sa buong mundo,

Sa taong ito rin, ang bansang Islamiko ay inagawan ng malaking pagpapala ng Hajj. Sa gayon, ang masigasig na mga pusong puno ng kalungkutan at kadalamhatian ay inagawan ng bangkete sa marangal na Bahay na itinayo ng Panginoon, ang Matalino at Maawain, itinayo para sa mga tao.

Ito ang ikalawang taon na ang panahon ng kaligayahan at espiritwal na kadakilaan na nauugnay sa Hajj ay naging isang panahon ng paghihiwalay at panghihinayang. Ang kapighatian ng pandemya at marahil ay ang mga patakaran na nangingibabaw sa Banal na Ka’bah ay inagawan ang mga mata ng mga sabik na mga sumasampalataya na makita ang simbolo ng pagkakaisa, kadakilaan at kabanalan ng bansang Islamiko. Sa gayon, ang maluwalhati, marangal na pagtitipon na ito ay natakpan ng mga ulap at alikabok.

Ito ay isa pang pagsubok, na kagaya ng iba pang mga pagsubok na naganap sa kasaysayan ng bansang Islamiko, na susundan ng isang magandang kinabukasan. Ang mahalaga ay manatiling buhay ang Hajj sa tunay na diwa nito – sa mga puso at mga kaluluwa ng mga Muslim – upang ngayon na ang pisikal na anyo nito ay pansamantalang hindi makamtan, ang dakilang mensahe nito ay hindi maaaring mawawala.

Ang Hajj ay isang kilos ng pagsamba na puno ng mga hiwaga at mga lihim. Ang katangi-tanging pagbuo at pagkakahalo ng kilusan at katahimikan nito ay nagtatayo ng pagkakakilanlan ng mga Muslim at ng pamayanang Muslim at ipinapakita ang mga kagandahan nito para sa mga tao sa buong mundo. Sa isang banda, nakakatulong sa mga puso ng mga alipin ng Diyos na umakyat sa espiritwal sa pamamagitan ng pag-alala sa Panginoon, pagbigkas ng mga panalangin at pagiging mapagpakumbaba. At ito magadala na mapalapit sila sa Diyos. Sa kabilang panig, sa pamamagitan ng kanilang katulad na mga kasuotan at magkatugma na paggalaw, lumilikha ito ng isang ugnayan sa pagitan ng mga kapatid na Muslim na nagtitipon mula sa apat na mga sulok ng mundo. Ipinapakita nito ang pinakamahalagang tanda ng bansang Islamiko na may lahat ng mga makabuluhan nito, nangingibabaw na mga ritwal, at ipinapakita nito ang pagpapasiya at kadakilaan ng bansang Islamiko sa lahat ng may masamang hangad.

Sa taong ito, ang ritwal ng Hajj sa Dakilang Bahay ng Panginoon ay hindi maaari, ngunit ang pagbibigay pansin sa Bahay ng Panginoon, sa pag-alala sa Kanya, sa kababaang-loob sa harapan Niya, sa pagpanalangin sa Kanya at sa paghingi ng kapatawaran sa Kanya ay maaari. Ang pagiging naroroon sa Arafah ay hindi maaabot natin, ngunit mayroon na nakagaganyak na mga panalangin. Hindi posible na batuhin si Satanas sa Mina, ngunit ang pagtanggi sa mga demonyong naghahanap ng kapangyarihan ay maaari saanman na lugar. Ang magkatugma na pagtitipon ng mga indibidwal sa paligid ng Ka'bah ay hindi makakamtan, ngunit ang magkatugma na pagtitipon ng mga puso sa paligid ng nag-iilaw na mga talata ng Banal na Qur'an at mahigpit na paghahawak ng lubid na inabot ng Panginoon [Qur'an, 3:103] ay isang walang hangganan na tungkulin.

Tayo sino ay mga tagasunod ng Islam – at sino nagtatamasa ng isang malaking populasyon, malawak na mga lupain, hindi mabilang na likas na yaman at mga bansang may kabatiran at kamalayan – dapat itayo ang hinaharap sa pamamagitan ng ating mga pag-aari at mga mapagkukunan. Sa huling 150 na mga taon, ang mga bansang Muslim ay walang papel na ginagampanan sa pagpapasya sa kapalaran ng kanilang mga bansa at sa kanilang mga gobyerno. Bukod sa ilang mga pagbubukod, lahat sila ay pinangunahan at pinamamahalaan ng mga lumalabag na mga pamahalaang kanluranin habang napapailalim sa kanilang kasakiman, panghihimasok at masamang hangarin sa kapwa. Ang pagkaatras ng pang-agham at pag-asa sa pampulitika sa maraming mga bansa ay ang produkto ng pagiging kahinahunan at kawalan ng kakayahan.

Ngayon, ang ating mga bansa, ating mga kabataan, ating mga siyentista, ating panrelihiyon na mga iskolar, ating mga intelektuwal na sibiko, ating mga pulitiko, at ating mga partidong pampulitika at ating mga tao ay dapat na makabawi sa iyon na hindi mararangal, nakakahiyang nakaraan. Dapat silang tumayo nang matatag at "labanan" ang pananalakay, panghihimasok at kasamaan ng mga kapangyarihang kanluranin.

Ang lahat ng sinasabi ng Islamikong Republika ng Iran ay nagging sanhi na ang mundo ng Pagkamayabang na maging pinanghinaan ng loob at nagalit ay talagang isang paanyaya sa ganitong uri ng paglaban. Ito ay isang paglaban sa harap ng panghihimasok at kasamaan ng Amerika at iba pang lumalabag na mga bansa upang gawin ang kapalaran ng mundo ng Islam sa sariling mga kamay sa pamamagitan ng pag-asa sa mga katuruang Islamiko.

Natural lamang, ang Amerika at ang mga tagataguyod nito ay sensitibo tungkol sa salitang "paglaban" at nagpasyang ipakita ang lahat ng uri ng kapootan sa "Pangkat na Paglabang Islamiko." Ang pakikipagtulungan ng ilang mga pamahalaang panrehiyon sa kanila ay isang mapait na katotohanan na nagpapalakas din sa masamang hangarin na mga gawain.

Ang tuwid na landas na ipinakita sa atin sa pamamagitan ng mga ritwal ng Hajj, sa pamamagitan ng "Sa'i," "Tawaf," "Arafah," "Jamarat" at ang kaluwalhatian at pagkakaisa sa Hajj, ay umasa sa Diyos, upang bigyang pansin ang hindi kailanman kumukupas na kapangyarihan ng Diyos, upang magkaroon ng pambansang pagtitiwala sa sarili, upang maniwala sa pakikibaka at pagsisikap para sa relihiyon, upang ipakita ang matatag na pagpapasiya kapag umusad at magkaroon ng masaganang pag-asa para sa tagumpay.

Ang katotohanan ng mga katotohanan sa rehiyong Islamiko ay nagpapalakas ng pag-asa na ito at nagtatatag ng pagpapasiyang ito. Sa isang panig, ang mapait na mga pangyayari sa mundo ng Islam, pagkaatras ng pang-agham, pananalig sa iba sa politika, at mga problemang pang-ekonomiya at panlipunan ay nagdidirekta sa atin patungo sa isang dakilang tungkulin at isang hindi napapagod na pagsisikap. Ang Ginagaw na Palestine ay nanawagan para sa ating tulong. Walang sala, duguang Yaman ang nagpapasakit sa bawat puso. Ang kalagayan ng Afghanistan ay nag-alaala ang lahat. Ang mapait na mga pangyayari sa Iraq, Syria, Lebanon at ilang iba pang mga bansa – kung saan ang panghihimasok, masamang hangarin ng kamay ng US at mga kasabwat nito ay ganap na nakikita – ay nagpapasigla ng sigasig at pagpapasiya ng lahat ng mga kabataan.

 

Sa kabilang banda, ang paglitaw ng mga Puwersang Paglaban sa buong sensitibong rehiyon na ito, ang paggising ng mga bansa, at ang pagganyak ng kabataan, masigasig na henerasyon, nagpapa-umasa ng mga puso sa pag-asa. Ang Palestine ay gumagamit ng "espada ng Quds" sa lahat ng mga teritoryo nito. Ang Quds, Gaza, West Bank, ang 1948 mga Lupain at ang mga kampo ng Palestino ay bumangon ang lahat at buong tapang na tinalo ang nang-agaw sa loob lamang ng 12 mga araw. Ang Yaman, na kinubkob at nag-iisa, ay nagtiis ng pitong mga taon ng giyera, mga krimen, at ang pagpatay sa inosenteng mga tao sa pamamagitan ng masama, pusong may bato na kaaway. Hindi ito sumuko sa kabila ng kakulangan ng pagkain, mga gamot at iba pang pangunahing mga pangangailangan. Sa kabaligtaran, nalilito ng Yaman ang kaaway sa kanyang lakas at talino. Sa Iraq, malakas na itulak ng mga Puwersang Paglaban ang pananakop sa US at ang tota nito na DAESH. Sa kanilang malakas na sigaw, masigla nilang ipinapahayag ang kanilang matatag na desisyon na harapin ang bawat kilos ng panghihimasok at masamang hangarin sa bahagi ng US at mga kasabwat nito.

Ang pagsisikap ng propaganda ng Amerikano na ibaluktot ang kalooban, mga hinihingi at mga kilos ng matapang na kabataan at mga puwersa ng Paglaban sa Syria, Lebanon at iba pang mga bansa at ilahad ang mga ito sa Iran o anumang iba pang sanggunian punto, ay isang insulto sa mga magiting, mapagmatyag na kabataan. At nagmula ito sa malalim na kamangmangan ng Amerika tungkol rehiyonal na mga bansa.

Ang kamangmangan na ito ay humantong sa Amerika na mapahiya sa Afghanistan. Matapos ang malubhang pagsalakay na 20 na mga taon na ang nakakalipas at pagkatapos gumamit ng mga sandata at mga bomba laban sa walang pagtatanggol na mga tao at mga sibilyan, ito ay natigil sa isang matayog at kalaunan ay binawi ang mga puwersa nito mula sa bansang iyon. Siyempre, ang mapagbantay na bansang Afghanistan ay dapat manatiling mapagbantay hinggil sa mga kasangkapan ng Amerika para sa pagtitipon ng mga impormasyon at mga sandata nitong malambot na digmaan, at dapat itong mapagbantay na labanan sila.

Ipinakita ng mga bansang panrehiyon na sila ay gising at alerto at ang kanilang landas ay naiiba mula sa landas ng mga gobyernong iyon na nakahanda pang pumunta hanggang sumuko sa mga hinihingi ng US sa mahalagang bagay ng Palestine upang mapanatili itong nasiyahan. Ito ang mga pamahalaan na lantaran at lihim na lumilikha ng ugnayan ng pagkakaibigan sa umaagaw na rehimeng Zionista. Sa madaling mga salita, tinanggihan nila ang karapatan ng bansang Palestino sa kanilang lupang pangkasaysayan. Ito ay isang kilos ng pagnanakaw ng mga ari-arian ng Palestino. Hindi nila ito nahanap na sapat upang nakawin ang likas na mapagkukunan ng kanilang sariling mga bansa, at ngayon ay nanakawin nila ang mga mapagkukunan ng bansang Palestino.

Mga kapatid,

Ang ating rehiyon at ang matulin, magkakaibang mga pangyayari na nagaganap nito ay isang pagtatanghal sa pagpapakita sa atin ng mga aralin at mga halimbawa. Sa isang banda, maaari nating malaman ang aralin ng pagkakaroon ng lakas gamit ang paglaban at pakikilaban sa mga lumalabag na mga sumasalakay. Sa kabilang panig, maaari nating malaman na ang kahihiyan na nagreresulta mula sa pagsusunod sa kanila at pagpapakita ng kahinaan.

Ang totoo, banal na pangako ay tulong para sa mga mandirigma sa daan ng Panginoon, "Kung tutulungan mo ang layunin ng Allah, tutulungan ka Niya, at itatatag mo ang iyong mga paa." [Banal na Qur'an, 47:7]

Ang pangunahing resulta ng pakikibakang ito sa daan ng Diyos ay upang mapigilan ang Amerika at iba pang mga mananalakay na pandaigdigan mula sa panghihimasok sa mga kapakanan ng mga bansang Islamiko, sa kalooban ng Diyos.

 Humihiling ako sa Diyos, ang Pinakamataas, na tulungan ang mga bansang Muslim, nagpapadala ako ng mga pagbati sa Imam ng Panahon (nawa’y isakripisyo ang ating kaluluwa para sa kanya), at hilingin ko sa Diyos na itaas ang katayuan ng dakilang Imam Khomeini at ang ating tanyag na mga bayani.

Pagbati sa matuwid na mga lingkod ng Diyos.

 

Sayyid Ali Khamenei

Hulyo 17, 2021

Tir 26, 1400

Dhu al-Hijjah 6, 1442

 

 

3475287

captcha